Pages

Monday, April 11, 2011

Dapit Hapon

Makailang umaga at timyas ng gabi
Malugod kang nag-abang.
Makailang bukang liwayway at buhos ng ulan,
Malugod na umalalay sa unang apat na hakbang.

Dalawang mamisong tsokolate, isanlibong tawa.
Ilang galos at peklat sa aking pagkakadapa
"Bangon, mag-imis ka, wag ka iiyak dalaga ka na"
Makailang linyang nagpapahilom, lunas sa makailang luha.

Ilang ngiti ang lumipas, ilang tampo ang natuyo.
Mga lihim ng dapit hapon, ilang beses naitago.
mga kamay na minsay hawak, nais ka ulit makapitan
mga kamay na minsay hawak, ang Lumikha na ngayon ang may tangan.

Paalam pangalawang ama, hangang sa muli kaibigan na higit pa
Sa iyong pupuntahan, balik-tingnan mo ako minsan pa
Kasama ang Guro gabayan ninyo po lagi ako.
Makailang beses na iisipin kita, nagmamahal bunso.

Para kay ~Tuo Santana

No comments:

Post a Comment