Pages

Thursday, December 29, 2011

Conversation with Someone Special

(Hmmm... napaka-informal ng paguusap namin. Hehe kase mas komportable akong kinakausap ko Siya ng parang tropa lang... Parang kuya ko lang. Mas nasasabi ko kase lahat pag ganto. Malamang may magsabing mali, pero mas gusto ko ang paraang ganto kesa ang pagdudahan ang mga gawa Nya or ang tuluyang hindi maniwala sa Kanya.)

*******

Kamusta ka na?
Alam ko madalas Mo ako makita kaya hindi ako magtataka kung hindi Mo ako tanungin kung kamusta na ako.
Tagal natin di nag usap ng ganto... kelan nga ba yung huli?
Thanks ha.
Sa lahat.
Sa pagtingin Mo sa'kin sa araw araw :)
Salamat din sa pagtingin sa pamilya ko :)
Patuloy Mo sila bantayan ha...
Si nanay, si tatay... bigyan Mo siya ng sapat ng lakas ng katawan para makapagtrabaho para sa'min.
Si ate, medyo krisis... bigyan Mo siya ng tatag ng loob para malagpasan lahat, saka para sa mga pamangkin ko.
Kay kuya, i-enlight Mo ang isip nya para malaman nya yun responsibilidad bilang ama para sa mga pamangkin ko.
Kay Randy, gabayan Mo siya... sana mahanap nya na yung trabahong gusto nya para makatulong na rin siya sa bahay.
Para sa'kin... hehe patuloy Mo lang akong gawing healthy sa araw araw para magawa ko yung trabaho ko. Hmmm gabayan Mo rin ako kung san ako pupunta. Dito na ba talaga ako, kung hindi 'to para sa'kin,  bigyan Mo ako ng maganda, mahinahon, at kaaya ayang SIGN na may iba pang nakalaan para sa'kin. Ayaw ko iwan yung mga kaibigan ko dito pero Ikaw ang masusunod... hindi ako.
Paki tingnan tingnan na rin yung mga kaibigan ko, at yung mga kasama ko sa trabaho. Gawin Mong mainam na lugar yun para sa araw araw. Saka si ano... alam kong may pinagdaanan siya nitong mga nakaraang araw... pagaanin Mo ang loob nya, please.

Sorry ha... ang demanding ko no? Pansin Mo?
Sorry kase parang sa tuwing nagkakausap tayo, parang laging hiling at request ang conversation natin.
Sorry sa mga kasalanan ko Sa'yo. Oo, alam ko madami... marami Ka pinagbawal noon na trending ngayon... buti na lang hindi ganun kalala yung mga ginagawa ko... good boy pa din ako kahit papano... peace ^_^"
May mga instruction ka para sa institusyon Mo na hindi ko ginagawa sorry, hindi ko nakikitang mas magiging mabuting tao ako kung gagawin ko 'yun. May mga kilala nga ako gumagawa ng bawat ritwal na yun kaso hindi naman ganun kaganda ang rehistro nya sa tao, hindi nya isinasabuhay yung turo mo pag labas nya ng bahay mo. tapos si... Ay! sorry po. ^_^"

Salamat ng madaming madami!
Ilang araw na lang, 29 days na lang, matatapos na naman yung isang taon na pinahiram mo sa'kin. Bibigyan Mo pa ba ako ng kasunod? Hehe joke lang :). Salamat sa nakalipas na taon, Ikaw na ang bahala... Ikaw ang masusunod. Ikaw ang manguna... Ikaw ang nakakaalam sa lahat.

Salamat sa pagkakataon na 'to na tinawag mo ako saglit.
Na miss ko pala na makipag usap sa'yo ng ganto.
Kahit araw-araw Kitang binubulungan, iba pa rin pala pag one-on-one.
Salamat ha... Wiseguy :)


*******

December 29, 2011

Maaga kami pinauwi ng manager namin sa work; wala naman kase talagang ginagawa.
Walang pasok kinabukasan kaya ang awkward ng pakiramdam na uuwi kang tirik pa ang araw sa langit. Mas sanay kase akong umuuwi ng malamig na yung hangin at gabi na, titingalain mo na lang yung buwan at bituin pag walang ulap ulan.

May mga lakad din yung mga kasama ko sa trabaho na hindi pumasok kaya wala talagang schedule na gimik or lakad para sa araw na 'to. Ang boring.

Sumakay ako ng bus pauwi. Napasakay ako sa Aircon bus... lugi... pag sakay ko kase pinapawisan pa din kami. Parang bentilador ang buga ng aircon... maligamgam imbis na malamig.

I decided na bumaba ng Alabang. Naglambing kase si Nanay na ibili ko siya ng kiat-kiat... di ko naman nabili.
Bumaba ako sa isang mall sa Alabang, balak ko magpalamig muna since maaraw pa at pasaway yung bus na nasakyan ko. Paikot-ikot ako sa loob ng mall, paikot-ikot. Wala naman kase akong bibilhin... wala akong pupuntahan. Lahat ng floors ng mall na yun nalibot ko... pagdating sa 4th floor, nakita ko yung chapel. Naglalakad ako sa harap ng chapel... wala talaga akong balak pumasok dun... pero parang hinahatak ako papasok.

Walang kaabog-abog akong umupo... yumuko...

And we talked.

Legend:
:)             = Ngumingiti ako ng literal habang naguusap kami.
^_^"        = Ngumingiti ako labas ipin habang naguusap kami.

Saturday, December 24, 2011

Pasko [na naman]

Pag dumating ang October, magsisimula ka na makakita ng mga countdown sa mga TV stations, dyaryo, poster, at sa mga text message na nagbibilang na ng araw bago ang mag pasko. Well, kung marunong kang magbasa, magsulat, mag-type ng internet address, mag internet, at napadpad ka sa website na 'to malamang alam mo kung ano ang araw ng pasko. Hehehe hindi ka na bata para paliwanagan kung ano yung PASKO.

Sabi nila [at taon taon ko naman naririnig] Christmas is a time for giving, it's the time for forgiving. Christmas is for the children. Tama. Kase aminado, naging bata tayong lahat at HALOS lahat ng bata, naranasan mag caroling, at mamasko sa kapitbahay, sa ninong at ninang sa araw na 'to. Ngayon, ako na ang ninong kaya malugod ko ring inaangkin na may mga "pasko" na kelangan pala tlagang "magtago" lalo na nagtatrabaho ka sa isang kompanyang may magandang proyekto pero walang magandang sweldo. 
(Gumagana na naman yung pagka aktibista ko.)

Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hanggang kailan?

In my 14 to 16 years of age, dun ako nakaramdam ng kakaibang feeling tuwing nagpapasko. Minsan nalulungkot ako pag padating na yung pasko. Pag magpapasko kase, hindi na yung Pasko mismo ang naiisip ko. Naiisip ko agad:

"Walanjo, magtatapos na naman yung isang taon. Anung nagawa ko?"

Iniisip ko kung mag nagawa ba akong mahalagang bagay sa nakalipas na taon; may mga bagay bang pinangako kong gagawin ngayon taon pero 'di ko nagawa, at kung naging worth it ba yung taon na 'yun.

Is this year worth it?

Oo at hindi. Madami akong bagay na gusto gawin nitong mga nakalipas na taon na hindi ko nagawa. Pero may mga nagawa ako na hindi ko na-plano pero naging mabuti ang kinalabasan. [pakiramdam ko meron pero since on the spot ako nagsusulat, wala ako maalala. Isusulat ko pag nag edit ako ulit]

Kaso malapit na naman matapos yung isang taon, na sulit ko ba yung 365 days na yun?

Maraming nagsasaya pag pasko. Sa isang banda kase halos lahat ng mga empleyado sa'tin ay walang pasok sa mga ganitong araw kaya sama sama silang nagse-celebrate nito. Mainam. May mga kilala din akong mga taong hindi nagse-celebrate nito, at may mga tao akong kilala, nakita, at napanood na gustong gusto mag diwang nito kaso 'di pwede.

As I believe, gaya ng Valentine's day, kung anong pinaniniwalaan mong kinagawiang gawin sa mga araw na yun, pwede mo siyang gawin ng mas madalas. Buwanan, lingguhan o araw-araw. Wag nyo lang ako pakiringgan na "Kuya Dubz, pwede ba akong humingi sa'yo ng pamasahe at lunch araw araw?" hahaha pwede ko praktisin ang pasko sa araw-araw pero hindi ako si Santa Claus.

If it's the time for giving, it's not always money and gifts you have to give. If it's the time to be happy and jolly... SMILE. It's not everyday you're happy, yes, but someone is HAPPY because of you. Christmas is a one-day reminder na meron kang tungkuling mag bigay at magpasaya ng kapwa mo sa araw araw. Kung hindi man sa kapwa mo, sa sarili mo. Just be sensitive enough to what you can do to the people around you and yourself. 

Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hanggang kailan?

Iiwan ko na lang sa mga bata at batang isip ang idea na it's all about gift giving, food, and fun; bata pa kase sila. They deserve the fun all this day, kase pagdating din nila ng 14 or 16 years old, mararamdaman din nila siguro meron na rin silang responsibilidad para sa mga batang susunod sa kanila; na sila naman ang magbigay ng happiness sa mga batang wala pang muwang.


Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hindi muna para sa lahat ng tao.

This one goes out to the victims of Bagyong Sendong.
I know that the ones who left you will never come back. I pray that in the next 365, bit by bit, we can celebrate the holidays the way we used to be. Stay strong.


Happy Birthday Wiseguy.

Tuesday, November 15, 2011

Card

-- stay cool hanggang sa susunod mong birthday and...


Stay strong.

Sorry ha.  Hindi gaya ng iba... hindi ko kayang sabihin na naiintindihan kita at ramdam ko ang nararamdaman mo... wala akong ibang alam gawin kundi ang mag imagine at mag isip ng kung anong dapat ko ikilos... 'di pala madali. Turuan mo po ako. Sabihin mo po  kung pano ako makakatulong... gusto ko malaman mo na andito kami para sa'yo. Alam kong may pinagdaanan ka... gusto kita i-uplift... akala ko madali..  hindi pala.

Hmmm... gusto ko sana mangulit kaso hindi ko alam kung tama.
 
Stay strong.

I would really love na makita kang malagpasan 'to. After that,  I know you'll turn out to be a more stronger and  more beautiful lady than you are now.

I'm missing the giggles and the jolly 'kit out of you.

But take your time...

Kaya mo yan.

-Le Jinx.

Friday, November 11, 2011

'Til we meet again






I never had a chance to know you more personally; and didn't even had the chance to talk to you even once. But I'm thanking you for making the people I know happy... very happy. And the gesture of friendship you showed me. You  can rest now... watch over us from up there... "us" that's still here. Rest in peace, Yhan.

You will be remembered.









Crying is a form body mechanism attached with our emotion. We can shed tears from extreme happiness or being on a sad state. The pain of loss most probably is the painful state a person could experience. I've seen many... experienced some.

Diane left Thursday night, November 10, 2011. Wiseguy called her back to His home... where pain, hatred, anxiety and anger is none of existence.

I have so little moments with this girl... as in literally.
Just a simple smile as we bump shoulders in the workplace... just that. We got a common friend who is currently in grief. And by that common friend, Yhan added me in her list of friends in a social network site. With that, we got to recognize each other in the corridors and there starts the smile greetings, like, as if we're saying:
"Yhan, thanks sa pag add"
" You're welcome"
Words never came out... just smiles. only smiles.
Just wish I had to know her more... people I know that knows her sheds tears for their loss -- as she leave. I'm sure she's special
I feel for them... reminds me of  Rio [If you happen to see Diane up there, make her company, okay?]

[can't continue]

Rest well.
I know you did great down here.
The next time we bump shoulders again, we should talk a bit more, you owe me a lot of stories.


Bye, Yhan.

'til we meet again.

Monday, November 7, 2011

Project Random Smile 5: Success!

It started with a poem.
Then with a bookmark.
Another poem.
Another bookmark
then...
the "hatch" day. [ you know, the day when we're hatched ]


I love being random. It's one way or one characteristic na gusto kong matandaan ng tao sa'kin... maging random. Eventually, I found it really amusing and really heartwarming na may napapangiti akong tao out of it. Siguro isa sa mga ultimate satisfaction ko ang mang sorpresa. Sad to say wala akong kapangyarihan gawin to sa lahat ng taong kilala ko. I just feel at a certain time kung sino ang dapat gawan ko ng ganun or yung dapat gawan ng ganun. [don't want to go on details 'bout that.]


And then there was this girl na I planned to surprise on her birthday.
Hehe dalawang buwang pagpaplano and nakalipas -- well, parang 'di naman kase it started out as a dare.


Let the flowers do the talking.

Nahamon akong magbigay ng bulaklak sa isang tao sa araw na yun. Hehehe agad ko naman tinanggap kase hindi ko man siya araw-araw ginagawa, hindi na iba sa'kin ang magbigay nun.

Ang tanong: Kung paano nya tatanggapin at kung tatanggapin ba nya?

Nung una, I wanted to give her a stuffed toy cat. Lagi ko binibigay yun sa mga new acquaintances ko kaso ilang mall ang pinuntahan ko isang gabi after ng work, wala na akong makitang same design and same cat.  Ngayon, naniniwala talaga ako na wala talagang pangyayari na tinatawag na coincidence. Hindi ko alam nung parehong gabing yun pumunta ako sa tindahan ng libro para hanapin yung bagong labas na librong hinahanap ko na sinulat ni Tado. Oo~! si Tado! meron siyang libro nakita ko sa TV nakalimutan ko lang yung title. And then ayun nakita ko yung isang libro na binabasa nya [si bortdey girl]

Makikita ko bang merong ganun dun kung hindi ako pumunta dun? Nakita ko yun pero hindi yun yung hinahanap ko. Coincidence.

Binili ko yung libro ^_^"

Yung flowers na lang problema ko.
Isang araw bago ang big day, nagpapatintero pa yung mga ideya sa isip ko pano ako bibili at dadalhin sa office yung bulaklak. Sorpresa yun so kelangan mas konti ang nakakaalam, mas maganda. Ilang araw na din akong nakaisip ng paraan... 'di ko din nasunod hahaha.

Nakauwi na ako sa lugar namin... inisip ko kase, dito na lang ako sa mall sa may amin bibili para malapit tapos hayaan ko na lang na makita ng lahat pagpasok ko. Kaso, wala akong makitang magandang arrangement na gaya nung nakita ko sa mall na malapit sa office namin. Dalawa, tatlo, apat na mall ang pinuntahan ko wala. Anong solusyon? bumyahe ulit papunta sa mall na malapit sa office HAHAHA para lang akong timang. Kung naisip ko na walang maayos na flower shop dito dapat umalis ako ng maaga... ngayon, nakikipagunahan ako sa oras kase umalis ako pabalik ng Makati sa oras na alam kong yun na yung mga oras na nagsasarado ang mall. Magaling Dubz.

To make the story short, nabili ko yung flowers and hindi siya maliit na package gaya ng inaakala ko HAHAHA. Bumili na din ako ng gift wrap pauwi. Good thing, andun ang kapatid ko at nautusan kong balutin yung libro kapalit ng sampung piso. Magaling Dubz.

And since excited, nauna pa akong nagising kesa sa tunog ng alarm clock ko. Sabi ko kase, kelangan ko pumasok ng maaga para magawa kung yung tamang "set-up". Hindi ko maintindihan kung bakit dun pa ako sinumulang kabahan kung ano ano ang pumasok sa isip ko.

Pano kung meron na siya nung librong binili ko?
Pano kung masira yung bulaklak papunta dun?
Pano kung hindi pala siya tumatanggap ng ganun... at mas preferred nya ang cash?? [hahaha kung mabasa mo 'to joke lang. Pero alam kong hindi mo mababasa 'to]

Tanggapin nya kaya?

7:00 A.M. ang call time namin sa office; yun yung time of work. Gusto ko maaga pumasok kaya dumating ako sa office ng 5:00 A.M. wahahaha sobrang inaantok ako nun buti express yung bus at naalog ako ng unti. Dumating ako sa office kakabukas pa lang at may isa pa lang akong officemate na andun nagulat nga siya sa dala ko. Pero di na ako nag explain ng husto, sinabi ko lang para kanino ^_^" natuwa naman siya. Agad kong kinuha yung scotch tape sa table ng supervisor namin at dumiretso sa loob. Tape dito, Tape doon. Para akong IT staff na akala mo nagkukumpuni ng mga wire sa ilalim ng computer table. In a point, oo. Ayaw ko kase masira ng mga wire yung flowers.

Fast forward.

Isang oras ang lumipas, umupo na ako sa table ko at nagsimulang magdatingan ang mga katrabaho. Lumapit sa'kin yung office mate ko na nadatnan ko. Luminga linga siya sa paligid sabay tanong.

"San na yung flowers?"
"Asa table nya." sabi ko. Tumingin si office mate sa table ni birthday girl pero di nya nakita.

"Asan??" Tanong nya ulit.
Hindi na ako sumagot... napahalakhak ako ng malakas. Effective yung ginawa ko. ^_^"

And then dumating si Maine. Siya yung nag dare na magbigay ako ng flower. Mas excited pa siya sa'kin.

Eto ang plano: Una kong ibibigay ung libro at pabubuksan sa kanya. Bakit?? contingency plan ang kalalabasan ng flowers kung magkataon na meron na siyang kopya nung libro na 'yun. Sayang eh, babawiin ko yung libro tapos hihiramin ko yung part one na nasa kanya  hahaha.

And then she came.

Alam ng buong office na birthday nya. Pero iilan lang kaming may alam ng surpresa. Eto ang tip... kung may plano kayong manorpresa ng tao at naisip nyo na magsabi ng mga sweet na linya, production numbers or declamation kasama ng gift, wag nyo na ituloy. Sa sobrang bilis lang ng moment na pinaghandaan nyo, hindi nyo magagawang magsalita kahit na yung mga bagay na matagal mo nang gustong sabihin.

Binigay ko yung book and she opened it. Dun pa lang solb na ako nung ngumiti siya at nag "thank you". Yun lang yun... kahit dun lang kuntento na ako. Hindi ko pa natatanong kung meron na siyang kopya nung librong binigay ko sa kanya, nakarinig ako ng pamilyar na boses "Meron pa!~" si Maine... hehehe. Thank you at hindi mo na pinatagal ang kaba ko. Gaya ng tip ko, wala na akong nasabi. Balak ko na siya na mismo ang pakukuhanin ko ng nakatago sa ilalim ng desk pero... gentleman ako... [ata...] ako din ang nagbunyag ng sarili kong surpresa.

Masaya... sobrang masaya ako nung oras na 'yun. Sa madaming bagay hehehe. Tinanggap nya yung regalo, Oo; Nagawa ko yung DARE sa'kin, Oo; [Sus, sisiw nga eh] pero higit sa lahat, na satify ko yung need ko na magpasaya ng ibang tao. Para akong adik na nakatikim ng epektos although di ako user at nasabi ko yung message na gusto ko iparating. It's more of a message for my self contentment.


Kahit gaano ka kalungkot, hindi yun dahilan para hindi ka maging masaya ^_^"
having said that, I proved one thing.


My heart jumped in excitement when I got this..  :)
THANK YOU so much for this gift..

The latter words were from her blog.
She never told that to me personally
She will never do ^_^" too shy to.


Wanna say thanks to Maine for this wonderful plan!!! Thanks Thanks.

Monday, October 17, 2011

Tulala sa isang tabi...

Hahaha natatawa ako... naalala ko yung OPM na kantang may linyang kagaya ng sa title ng post na 'to.

ehem...

Okay. Game. Lately, naguumpisa na naman akong matulala. Naguumpisa na din akong magtaka bakit napapadalas na naman 'to. Kung sakit 'to, kelangan ko ng gamot. Hmmm isa siguro yung dahil sa magpapasko. Tama... Pasko. Hindi ko alam kung bakit pag dumadating ang pasko mas unti unting nagiging mas less merry ito para sa'kin. Don't get the wrong impression pero hindi na ito kasing saya gaya ng mga inaanak  na taon taon akong nadadagdagan.

Trivia: Sa isang taon, meron nag aaya sakin na dalawa o tatlo na mga kakilala para maging ninong at ninang. Sa ngayon, meron akong 16 na inaanak.

(Susulat ako ng separate na article hiwalay sa topic na 'to)

Moving on...

Alam ko na meron naman talaga akong dapat isipin nitong mga araw na ito... madami. madami.

Kaso masyado ata akong nag eenjoy sa pagiisip kaya may mga times na natutulala ako sa maling oras at maling lugar. Kanina, maaga dapat akong matatapos sa  kaso na hawak ko kaso in between the process bigla akong mapapag isip at matutulala ako sa gitna ng trabaho [hep! hindi ako tumatakas sa trabaho. pwede ako yumuko at umidlip bakit ako tatakas hehe].

Ang matulala sa trabaho ay masasabi kong normal na bagay. Pero ang matulala sa gilid ng kalsada sa tabi ng bus stop ay hindi pang araw araw na gawain [grin].

Dapat aalis ako pagkalabas ng opisina. Pupunta ako DUN. Dun sa isang sikat na lugar na pinupuntahan ng tao. Malawak, may matatayog na gusali, at may baybayin. May balak ako bilhin dun pero mas gusto ko makita yung baybayin. Gusto ko yung pakiramdam na hinihipan ka ng hangin habang nagiisip, nagmumunimuni, at natutulala. Mas na appreciate ko ang ganung moment lalo na nung huling punta ko dun, nagiisip ko sa tabing baybayin ng may kasama. Kaso natigilan ako tumuloy ngayon kase parang ang boring umalis mag isa. Hindi pa rin naman ako ganun ka EMO para umiyak, tumawa, at makipagusap sa sarili ko dun. Isa pa, nag offer yung isang close friend ko sa office sasamahan nya daw ako pag punta dun, mamasyal kami, at ililibre nya pa ako ng merienda...

pero joke ko lang yun. Nag offer lang siyang sumama pero YUN LANG WALA NA IBA. [masyado kang ambisyoso Dubz... nilibre ka na nga ng sundae cone eh]

Sumakay siya ng bus pauwi sa kanila at ako nag aabang ng bus. Madaming tao, pumipila, may mga barker na sumisigaw "Alabang, Pacita, derecho Skyway!!!" pero andun ako sa isang tabi nakatulala hahaha.
Nangangati ang utak ko na tumuloy sa lugar na yun kahit alas medya kwarter na ng gabi... andun yung sasakay na ako ng bus papunta dun pero natitigilan ako. Hanggang sa nagiisip ako ulit kung bakit ba ako pupunta dun at bakit kelangan dun hindi ba pwede sa iba? yung mas malapit?

Kahit ako namangha sa sarili ko... kulang kulang limang minuto yun na naka tayo ako sa gitna ng sidewalk, nakatingin sa isang direksyon, at hindi natinag kahit mabangga ng mga nagaagawang pasahero at malalakas na busina at sigaw ng mga kundoktor.

Hindi normal 'to. Siguro kelangan ko na ulit mag sulat. [hindi gantong sulat. yung sulat na ginagawa ko dati... mga short stories, sa mga kung anu anu lang]

Kelangan ko ng gamot pampakalma ng isip hahaha.


"Di ka ba napapagod? kanina ka pa kase tumatakbo sa isip ko"



WAHAHA. LAPTRIP!

Tuesday, October 11, 2011

Writer's Block

Naipublish tong blog na to dahil gusto ko mag sulat, gusto ko mag pahid ng tinta dito kahit alam kong walang makakabasa dahil iilan lang ang nakakaalam na nagsusulat ako sa paraang ganto. Sa totoo lang mas gusto ko yun; mag sulat para  maglabas ng gusto sabihin para sa SARILI.


Isa pang nakaktuwang dahilan ay dahil sa nahingian ako ng isang artikulo ng isang malapit na kakilala [na hanggang ngayon eh hindi ko pa nailalathala kase... hindi pa siya tapos hahaha. sorry bunso, sorry Ara] at kasama ni Ara nainspire din ako ni Eula sa pag gawa ulit at pag sulat ng blog :D
Kaka publish lang ng blog na 'to. At para sa formality na magmukha siyang blog, isinalin ko dito yung mga articles na galing sa mga dati kong blog sa kadahilanang hindi ko na maalala ang log in or password nung mga account na yun. [kase makakalimutin tlaga ako sa mga bagay bagay -- sobrang makakalimutin]


(asan na nga ba ako??)


Ayun, habang nagtatagal ako sa pag kumpuni, pag edit, pag post, at pag ubos ng oras, hindi ko napapansin na wala naman talaga akong naidadagdag sa post na 'to kundi yung mga dati ko lang din na ginawa. Pangalawa, napansin ko na karamihan sa mga dating ginawa ko eh mga English [mahirap man paniwalaan, kahit hindi halata... marunong ako mag English... oo! totoo yun... promise.] konti nga lang. Kung tutuusin, makikita at mapapansin nyo pa na mali mali ang grammar at punctuation  nung mga English articles ko. Hindi ko sila binago para ma preserve ko yung mga salitang ginawa ko dati... saka para mas malakas din ang tawa ko sa sarili ko habang binabasa ko yung mga grammatical error na nasa post ko. [Halatang hindi ko sineryoso ang pagaaral ng English.]


Moving on...


Kanina, habang nakasakay ako sa bus papuntang office, bumalik na naman yung pakiramdam ko na gustong gusto kong sumulat ng article para madagdagan naman yung laman nitong pahina na 'to kaso ayun na ba-blanko na naman ang isip ko sa kakaisip. Parang sa pag iinternet lang; pag wala ka sa harap ng PC andami mong gustong i-search at panoorin sa Youtube, pero pag andito ko na... 'nak ng tinapay anu nga ba yung gusto kong i-search at panoorin sa Youtube? [ sabi sa'yo makakalimutin ako ]


Kanina din habang nakasakay ako sa bus pauwi, naisip ko ang ilan sa mga dahilan kung anung pwedeng dahilan bakit ganto.

Una, masayado ako mabilis magisip, ito siguro yung mga dahilan kung bakit hindi ako tumataba, mukha akong puyat kahit lagpas walong oras akong tulog, at tinutubuan ako ng puting buhok. Minsan ko na nasabing kaya kong mag-isip ng dalawang bagay ng sabay. Hindi sa abnormal ako pero palagay ko may mga oras tlaga na nagagawa ko to... habang nagta-type ako ng mga case sa office, minsan nagagawa kong isipin kung anung itsura ng mga nagsasalita sa audio na naririnig ko. Hindi ko pa ako nakakaalpas sa senaryong yun eh... nagagawa ko nang sundan yun ng pagiisip ng ibang bagay gaya ng kung pano kaya kung sa'kin nangyari yung kaso na yun or pano kaya kung dito sa 'Pinas nangyari yung ganun or pano kaya kung kakilala ko yung ganun or pano kung ako yung andun mismo sa court trial, naiisip ko yun habang iniisip ko kung anung itsura ng mga taong napapakinggan ko.[Sempre 'di pa kasama jan ang segue sa pagiisip sa kras at sa mga kakulitan na binabalak sa hinaharap]


~ Masyado ako mabilis mag isip in the sense na may meron akong gustong isulat o isiping isang bagay pero agad napapatungan ng mga topic na  iniisip kong mas magandang simulan or isulat. WALA AKONG POKUS. Alam ko na yan bata pa lang ako. hanggang ngayon pinipilit ko i-trace back kung san nagsimula ang pagiging out of focus ko.


At Pangalawa na siguro eh pinaka importante sa lahat, nakalimutan ko ang SELF EXPRESSION.
~ Blog ko 'to. hindi ko kelangan gumawa ng mga ilalaman dito para ikakasaya ng ibang tao. Hindi ako kelangan gumawa ng ilalaman dito para basahin ng ibang tao para sa panlasa ng iba. Minsan natatakot ako mag post iniisip ko baka kase hindi magustuhan ng mga makakabasa... nakalimutan ko... WALA NAMAN AKO READER HAHAHA. Eh, bakit ba blog ko to eh.


~ Hindi ko rin kelangan mag English para lang maging tunog pormal. Hindi ko kelangan ng pormal na lahatlain kung hindi ko naman masasabi ng lubos yung gusto kong sabihin dun. Pero hindi ko naman gusto sabihin na magsusulat lang ako sa salitang Filipino lagi. Kahit masakit sa kasing kasing ang mag English para sa'kin, gagawa ako ng English article promise :D


Hindi ko kelangan mag English.
Mas makakapag express ako ng gusto ko ipaliwanag gamit ang lenggwaheng kinalakihan ko gamitin.

I don't have to write in English for  [ @!(*&#@(*&%)*% 'nak ng tinapay tlaga nakaisip na ako ng magandang English quote nakalimutan ko na naman]


Anyways, this is my blog, my rules, and my post.
Lahat 'to eh naglalaman ng mga kalokohan, ka kornihan at mga kalikutan ng isip ko.
Somehow, makikilala mo ako dito.
Kung hindi ka interesado, wag ka magbasa... Eh bakit ka ba nangengealam?! Blog ko naman  'to. Belat.


Ayan may naiisip na ako.


Antok na ako... bukas na lang ulit pag wala nang mga balakid sa pagsusulat. Tara tulog na.


after all hindi ako entitled sa title nito... hindi ako full pledged writer hehehe :D

Monday, September 26, 2011

It's forward, but it occurs to me... I want to heal her sorrow.

Have you ever imagined of having the ability to take out from one his or her loneliness, her sorrow?


I used 'that' line as my status message in Facebook and a few seconds later, someone asked me "whose that for?" and I quickly replied "Kahit kanino".

There are past moments where I get


-- Pfft! isa na naman sa mga article na di ko matapos, di magawa. Di ko din alam bakit --

Neeeext!

Dream Burial

 [note: isa 'to sa mga article na sinulat ko nung 2008. Emo days, tipong galit pa sa mundo. Lagi rin tumatakas sa isip ko na ang English term para sa "karo" ay "hearse" -- 'nak ng tinapay talaga -- ]






Im sure we're thinking beyond after we die.
Are angels true?
Is heaven really real?
We never even think about what we will going to be when we die and being laid upon by thousand pairs of eyes while we're there enjoying our so called "Burol" but we don't care because we don't even know how it feels to be DEAD hehe.






I saw a picture generator on the web which  lets you generate a graphical representation of your tomb stone. You are very free to put in whatever information you love and if you are a freak enough to be a man of curiosity, you are allowed to make your death date faster. Create some pictures of  that and send them to your favorite bestfriends and let them slap your face after all the "not good feeling" and restlessness [to punch you right into your nose]  provided that your death is not true. Very nice.




It also made my mind itch and come to think of our elders. Them who's very keen about their "Habilin" when they die. And most of the time, habilins are followed. Cool.




Since blogging gives me a right to post all I wanted, and since I have few readers with it,  I would like to create my own HABILIN.


If ever Wiseguy says it's time for me to come home,  there's some list to consult. ^_^"
Here's my list.


If I die:


- I really want to be cremated. But cremation is quite expensive, so I prefer to have the underground internment.


- Morticians should be very careful on handling my body, specially my face. This is the only beautiful part -- I guess -- of this physical being.


-If possible minimize the cryings.


- I want every one of my dearest family to be present at all time.


- Friends should be there too!


- There should be singing and laughing while I'm on my BUROL. I want to hear childrens laughter everywhere. (hey, I'm dead I cant hear by that time)


- When my internment comes, I want my... what do you call it?? the car who brings your casket?? well anyways... i want my karo to play music while on the way to the church. The karo should play a music of my choice right? I want "Tears in Heaven" Gregorians version.


- While in the mass... I want the church to play Michael Bolton's "Go the Distance" when its time for the eucharist.


- And when my body is leaving the church, I want the church to play "Moment of Peace" by the Gregorians as well ( while the church bells are ringing) spooky.


- I want to have a normal internment. Just put me six feet under and dig in some soil.


- I want my family to be relaxed when the day ended and continue life without bringing the pain of my loss.


Well, anyways, I  dunno how this came up to my mind, but I always wanted to post a article of this kind. It's a bit short for a habilin, though. but I can always add something to this while I'm still alive, right?


But for now...




ENJOY THE DAYS THAT YOU'RE WITH YOUR FAMILY, YOUR FRIENDS AND LOVE ONES. THERE'S ONLY ONE PERSON KNOWS WHEN IT'S TIME FOR US TO DO OUR OWN HABILINs.


And thank God... I'm still here to write mine.

Sunday, August 21, 2011

Dusk of Sundays

Informal.


It's Sunday. I don't know if it's only me, but what's with Sundays that I get so gloomy about.  It's the first day of the week, right? So, to make the incoming week productive and energetic, start the first day of the week with a blast. Yeah, right. But How in the world -- Arrgh~! Sundays.
Is it the music played on the radio that makes a gloomy Sunday gloomy?
Is it the TV shows?
Maybe the idea of going to work on the following days after Sunday that makes me sluggish. But dude, I happen to experience going to work with Sundays... months of them actually and there's still that distinct mood for Sunday in me that I wanted to go home as fast as I can to sleep Sunday out. Geesh~!


It's Sunday... and it's afternoon. No, the sun is already setting to hide from the mountains and the horizons over there. There! you see it?!


Dusk of Sundays.  This is one hell of a test for me. Every week, I had to find something or anything or someone to have my mind think of something else that would make me not realize that this part of the day is passing and have already gone. If I found something that could catch my attention, I could laugh at Sunday saying  "aha! night time! bye Sunday, see you next week", but if I haven't, these were the times where I talk to my pillow to buy me round trip tickets to dreamland even if it's still  5:00 p.m.


Was it really the Sundays? Maybe.
Maybe not.
But I have great Sundays I lived to tell and to reminisce. I know I have many, but since I'm writing this impromptu, I ought to stumble on the recent ones. Great Sunday indeed. It was rainy though, but I did have a wishful thinking that that Sunday would be longer. Yes, longer as opposed to what I wish my usual Sunday should be. Yes, you've guessed it right... of course it did not happen because that day was ended also by incoming dusk. Whew! so soon. Enjoy the movie with her though. It's a blast


Was it really the Sundays?
Maybe not.
Was it the afternoons? The dusk?


Well, I have issues with the afternoons and dusk, you know. [Nah! long story.] But I happen to tell someone that "afternoons are not that lonely anymore"
I thought so.
It is not that lonely anymore... at least for now. Or at least, there's still a bagful of afternoons from that long story that's still clinching in my brain that can't be plucked out by ten -- twenty, twenty seven or fifty good afternoons and good dusk.


It appears to me that I'll be walking some less good dusk ahead.
I know.
I feel it.
As early of now i should find something that would...


[text message]
[to think, this is my first message for the whole day]
[Excited... I hope it's from her]


"You're Call/Text promo subscription is already expired..."


sweet.




I'm thinking of writing about something...




Hmmmm... it's already night time... I was able to divert my attention from enduring an incoming Sunday Dusk. Aha! Night time! Bye Sunday! see you next week.

Saturday, June 25, 2011

Pedestrian

turned right and found myself lost,
   and continued walking until I get nowhere.
maybe this feet will step and step and run,
   and the good mood will lead my way back home.
yellow ray of light saying "start walking,
   on the path you chose you must go and lead."
close to being lost again we see one sign,
   uniting a couple of crossroads ahead.
then there you are heading straight but yet lost,
   "explore and just go on!" you shouted back.
just in that instance the lines on the road showed up,
   ending the lifeless and tedious straight track.
and in the middle of the road you stand, and smile, and reach,
   "now hold my hand, cross, and walk this road with me."

Saturday, June 11, 2011

Ticket [abriged]

If I could have a wish, one, would be to see you in dreamland
where there's no frown face and only fun; the rainbows are stairs and the time will not run.
a place where no one can hurt you, and you can cry with me,
in my sweetdreams i hope to see you somewhere, voyage starts now, and the ticket is free.






(^.^) zzzzzz.....zzzz....

Wednesday, April 20, 2011

Hymn

Jasmines of the dawn under the moon,
  Enlightens my puzzled memory.
All eyes and faces runs in my thoughts,
  Nothing lasts but smiles of sanity.




Just in the moment I'll lose my hope,
  One word had put it all together.
You are the word and you are my cause,
  Calming  this restless soul that ember.




Embedded in my tale of journey'
  Very same lyric of that sad poem.
Then you came to be this melody,
  And you turn to be my great last song


Morning mist and my morning sunshine,
  Awaits the dawn for the next day new.
You are my guitar, the tune I hum,
  One life long music, one hymn, one you.

Monday, April 11, 2011

Dapit Hapon

Makailang umaga at timyas ng gabi
Malugod kang nag-abang.
Makailang bukang liwayway at buhos ng ulan,
Malugod na umalalay sa unang apat na hakbang.

Dalawang mamisong tsokolate, isanlibong tawa.
Ilang galos at peklat sa aking pagkakadapa
"Bangon, mag-imis ka, wag ka iiyak dalaga ka na"
Makailang linyang nagpapahilom, lunas sa makailang luha.

Ilang ngiti ang lumipas, ilang tampo ang natuyo.
Mga lihim ng dapit hapon, ilang beses naitago.
mga kamay na minsay hawak, nais ka ulit makapitan
mga kamay na minsay hawak, ang Lumikha na ngayon ang may tangan.

Paalam pangalawang ama, hangang sa muli kaibigan na higit pa
Sa iyong pupuntahan, balik-tingnan mo ako minsan pa
Kasama ang Guro gabayan ninyo po lagi ako.
Makailang beses na iisipin kita, nagmamahal bunso.

Para kay ~Tuo Santana

Sunday, February 13, 2011

Why now? Why Valentines Day?

First hours of February 14, 2011 has passed and I'm in the front of the computer talking to Eula :D and my Supervisor :D and then as the booming and flowering batch of Valentine's Day messages gush through, there's something running in my head. And this means i had to think about it and write about it.


~Valentine's Day.
or Balentayms para sa mga kabataang pinoy hahah.
~This is the time where chocolates gets quite expensive.
~This is the time where flowers of kind ( I think ) gets quite expensive.
~This is the time where Parks and Valentine themed places are getting crowded and gets quite pricey.
~This is the time where [for mature readers] motels, hotels, and such are eventually getting some Valentine inspired rooms and gets quite expensive.
~Valentine's day is one day of the year where lovers plan on doing something sweet or memorable just because it's Valentine's day.


But why now? Why ONLY on Valentine's day??


Question:


What is Valentine's day for a single, not committed person? (many people forget Valentine's day is not for lovers alone)


How about the recently broken hearted individual? ( What would the "day" would give him/her? Or would she/he still thinks that such "day" is existing?)


AND Why would we do something special on this "day" if we could do it readily almost everyday?


------------------------------------------------------


Doing something special in commemoration of the "day" is quite pointless.


We don't buy flowers, gifts, go to romantic places, and say sweet I love you because it's Valentine'day. It's because of our affection, what we feel, it's about LOVE.


If you are showing your loved one that you can do something great for them on this day, you can do this to them again and again more special than a single day of the year.


And loved one is not limited to a  girlfriend, boyfriend. You have your friends, and your family.


and you have your ONLY ONE up there.


Tell a blind man how you love him and he will feel the LOVE, without him seeing the color of a rose petal or how us normal people draw a heart shape.


See the face of your parents and brothers and sisters, when you go out for work. See them smile as they wish you to take great care of yourself. That is Love out of Valentine's day [and you get them everyday]


Personally, when I get to see the people I care for in everyday life; the feeling is heavenly when you know there's somebody is waiting for you to get home... while even before you leave.


When you see your crush at the office. It feels great isn't it? It's a Kilig feeling you feel every time. An intense feeling you feel even it's not Valentine's day


These are some feelings more Lovelier than Valentine's day.


So don't find comfort and love on a single day because the season is telling you that's it's a "loving day today".






This are certain feelings that you can feel everyday. Just look and try feel them.
It's a feeling where you get inspired and feel alive.
It's a feeling you could readily get and not to be emphasized in a single day of the year.




Valentine's day is only a commemoration day.
~you should not cherish the love that you already had just because it's valentine's day. YOU CAN DO IT EVERYDAY.
~you should not make some special arrangements on this day just to say it's Special. YOU CAN DO IT EVERYDAY.
~it doesn't have to be expensive. Just an ice cream cone on the free time together is enough. YOU CAN DO IT EVERYDAY.
~it doesn't have to be expensive. Walking holding each others hands on the way home is enough. YOU CAN DO IT EVERYDAY.
~it doesn't have to be girl/boyfriend. You could tell friends, parents, and siblings how special are they. YOU CAN DO IT EVERYDAY


... it doesn't have always to be  I Love you. You also need to say a warm Sorry and a simple Thank you.


I think.
Valentine's day should not be a day where you could show someone how special they are.
instead...
Valentine's day should remind us that True Love really do exist.


And should be practiced in no amount of wealth or time will be measured.


just always a heartful*


Celebrate love.


*http://en.wiktionary.org/wiki/heartful