Pages

Monday, October 17, 2011

Tulala sa isang tabi...

Hahaha natatawa ako... naalala ko yung OPM na kantang may linyang kagaya ng sa title ng post na 'to.

ehem...

Okay. Game. Lately, naguumpisa na naman akong matulala. Naguumpisa na din akong magtaka bakit napapadalas na naman 'to. Kung sakit 'to, kelangan ko ng gamot. Hmmm isa siguro yung dahil sa magpapasko. Tama... Pasko. Hindi ko alam kung bakit pag dumadating ang pasko mas unti unting nagiging mas less merry ito para sa'kin. Don't get the wrong impression pero hindi na ito kasing saya gaya ng mga inaanak  na taon taon akong nadadagdagan.

Trivia: Sa isang taon, meron nag aaya sakin na dalawa o tatlo na mga kakilala para maging ninong at ninang. Sa ngayon, meron akong 16 na inaanak.

(Susulat ako ng separate na article hiwalay sa topic na 'to)

Moving on...

Alam ko na meron naman talaga akong dapat isipin nitong mga araw na ito... madami. madami.

Kaso masyado ata akong nag eenjoy sa pagiisip kaya may mga times na natutulala ako sa maling oras at maling lugar. Kanina, maaga dapat akong matatapos sa  kaso na hawak ko kaso in between the process bigla akong mapapag isip at matutulala ako sa gitna ng trabaho [hep! hindi ako tumatakas sa trabaho. pwede ako yumuko at umidlip bakit ako tatakas hehe].

Ang matulala sa trabaho ay masasabi kong normal na bagay. Pero ang matulala sa gilid ng kalsada sa tabi ng bus stop ay hindi pang araw araw na gawain [grin].

Dapat aalis ako pagkalabas ng opisina. Pupunta ako DUN. Dun sa isang sikat na lugar na pinupuntahan ng tao. Malawak, may matatayog na gusali, at may baybayin. May balak ako bilhin dun pero mas gusto ko makita yung baybayin. Gusto ko yung pakiramdam na hinihipan ka ng hangin habang nagiisip, nagmumunimuni, at natutulala. Mas na appreciate ko ang ganung moment lalo na nung huling punta ko dun, nagiisip ko sa tabing baybayin ng may kasama. Kaso natigilan ako tumuloy ngayon kase parang ang boring umalis mag isa. Hindi pa rin naman ako ganun ka EMO para umiyak, tumawa, at makipagusap sa sarili ko dun. Isa pa, nag offer yung isang close friend ko sa office sasamahan nya daw ako pag punta dun, mamasyal kami, at ililibre nya pa ako ng merienda...

pero joke ko lang yun. Nag offer lang siyang sumama pero YUN LANG WALA NA IBA. [masyado kang ambisyoso Dubz... nilibre ka na nga ng sundae cone eh]

Sumakay siya ng bus pauwi sa kanila at ako nag aabang ng bus. Madaming tao, pumipila, may mga barker na sumisigaw "Alabang, Pacita, derecho Skyway!!!" pero andun ako sa isang tabi nakatulala hahaha.
Nangangati ang utak ko na tumuloy sa lugar na yun kahit alas medya kwarter na ng gabi... andun yung sasakay na ako ng bus papunta dun pero natitigilan ako. Hanggang sa nagiisip ako ulit kung bakit ba ako pupunta dun at bakit kelangan dun hindi ba pwede sa iba? yung mas malapit?

Kahit ako namangha sa sarili ko... kulang kulang limang minuto yun na naka tayo ako sa gitna ng sidewalk, nakatingin sa isang direksyon, at hindi natinag kahit mabangga ng mga nagaagawang pasahero at malalakas na busina at sigaw ng mga kundoktor.

Hindi normal 'to. Siguro kelangan ko na ulit mag sulat. [hindi gantong sulat. yung sulat na ginagawa ko dati... mga short stories, sa mga kung anu anu lang]

Kelangan ko ng gamot pampakalma ng isip hahaha.


"Di ka ba napapagod? kanina ka pa kase tumatakbo sa isip ko"



WAHAHA. LAPTRIP!

No comments:

Post a Comment