Pages

Tuesday, October 11, 2011

Writer's Block

Naipublish tong blog na to dahil gusto ko mag sulat, gusto ko mag pahid ng tinta dito kahit alam kong walang makakabasa dahil iilan lang ang nakakaalam na nagsusulat ako sa paraang ganto. Sa totoo lang mas gusto ko yun; mag sulat para  maglabas ng gusto sabihin para sa SARILI.


Isa pang nakaktuwang dahilan ay dahil sa nahingian ako ng isang artikulo ng isang malapit na kakilala [na hanggang ngayon eh hindi ko pa nailalathala kase... hindi pa siya tapos hahaha. sorry bunso, sorry Ara] at kasama ni Ara nainspire din ako ni Eula sa pag gawa ulit at pag sulat ng blog :D
Kaka publish lang ng blog na 'to. At para sa formality na magmukha siyang blog, isinalin ko dito yung mga articles na galing sa mga dati kong blog sa kadahilanang hindi ko na maalala ang log in or password nung mga account na yun. [kase makakalimutin tlaga ako sa mga bagay bagay -- sobrang makakalimutin]


(asan na nga ba ako??)


Ayun, habang nagtatagal ako sa pag kumpuni, pag edit, pag post, at pag ubos ng oras, hindi ko napapansin na wala naman talaga akong naidadagdag sa post na 'to kundi yung mga dati ko lang din na ginawa. Pangalawa, napansin ko na karamihan sa mga dating ginawa ko eh mga English [mahirap man paniwalaan, kahit hindi halata... marunong ako mag English... oo! totoo yun... promise.] konti nga lang. Kung tutuusin, makikita at mapapansin nyo pa na mali mali ang grammar at punctuation  nung mga English articles ko. Hindi ko sila binago para ma preserve ko yung mga salitang ginawa ko dati... saka para mas malakas din ang tawa ko sa sarili ko habang binabasa ko yung mga grammatical error na nasa post ko. [Halatang hindi ko sineryoso ang pagaaral ng English.]


Moving on...


Kanina, habang nakasakay ako sa bus papuntang office, bumalik na naman yung pakiramdam ko na gustong gusto kong sumulat ng article para madagdagan naman yung laman nitong pahina na 'to kaso ayun na ba-blanko na naman ang isip ko sa kakaisip. Parang sa pag iinternet lang; pag wala ka sa harap ng PC andami mong gustong i-search at panoorin sa Youtube, pero pag andito ko na... 'nak ng tinapay anu nga ba yung gusto kong i-search at panoorin sa Youtube? [ sabi sa'yo makakalimutin ako ]


Kanina din habang nakasakay ako sa bus pauwi, naisip ko ang ilan sa mga dahilan kung anung pwedeng dahilan bakit ganto.

Una, masayado ako mabilis magisip, ito siguro yung mga dahilan kung bakit hindi ako tumataba, mukha akong puyat kahit lagpas walong oras akong tulog, at tinutubuan ako ng puting buhok. Minsan ko na nasabing kaya kong mag-isip ng dalawang bagay ng sabay. Hindi sa abnormal ako pero palagay ko may mga oras tlaga na nagagawa ko to... habang nagta-type ako ng mga case sa office, minsan nagagawa kong isipin kung anung itsura ng mga nagsasalita sa audio na naririnig ko. Hindi ko pa ako nakakaalpas sa senaryong yun eh... nagagawa ko nang sundan yun ng pagiisip ng ibang bagay gaya ng kung pano kaya kung sa'kin nangyari yung kaso na yun or pano kaya kung dito sa 'Pinas nangyari yung ganun or pano kaya kung kakilala ko yung ganun or pano kung ako yung andun mismo sa court trial, naiisip ko yun habang iniisip ko kung anung itsura ng mga taong napapakinggan ko.[Sempre 'di pa kasama jan ang segue sa pagiisip sa kras at sa mga kakulitan na binabalak sa hinaharap]


~ Masyado ako mabilis mag isip in the sense na may meron akong gustong isulat o isiping isang bagay pero agad napapatungan ng mga topic na  iniisip kong mas magandang simulan or isulat. WALA AKONG POKUS. Alam ko na yan bata pa lang ako. hanggang ngayon pinipilit ko i-trace back kung san nagsimula ang pagiging out of focus ko.


At Pangalawa na siguro eh pinaka importante sa lahat, nakalimutan ko ang SELF EXPRESSION.
~ Blog ko 'to. hindi ko kelangan gumawa ng mga ilalaman dito para ikakasaya ng ibang tao. Hindi ako kelangan gumawa ng ilalaman dito para basahin ng ibang tao para sa panlasa ng iba. Minsan natatakot ako mag post iniisip ko baka kase hindi magustuhan ng mga makakabasa... nakalimutan ko... WALA NAMAN AKO READER HAHAHA. Eh, bakit ba blog ko to eh.


~ Hindi ko rin kelangan mag English para lang maging tunog pormal. Hindi ko kelangan ng pormal na lahatlain kung hindi ko naman masasabi ng lubos yung gusto kong sabihin dun. Pero hindi ko naman gusto sabihin na magsusulat lang ako sa salitang Filipino lagi. Kahit masakit sa kasing kasing ang mag English para sa'kin, gagawa ako ng English article promise :D


Hindi ko kelangan mag English.
Mas makakapag express ako ng gusto ko ipaliwanag gamit ang lenggwaheng kinalakihan ko gamitin.

I don't have to write in English for  [ @!(*&#@(*&%)*% 'nak ng tinapay tlaga nakaisip na ako ng magandang English quote nakalimutan ko na naman]


Anyways, this is my blog, my rules, and my post.
Lahat 'to eh naglalaman ng mga kalokohan, ka kornihan at mga kalikutan ng isip ko.
Somehow, makikilala mo ako dito.
Kung hindi ka interesado, wag ka magbasa... Eh bakit ka ba nangengealam?! Blog ko naman  'to. Belat.


Ayan may naiisip na ako.


Antok na ako... bukas na lang ulit pag wala nang mga balakid sa pagsusulat. Tara tulog na.


after all hindi ako entitled sa title nito... hindi ako full pledged writer hehehe :D

No comments:

Post a Comment