Pages

Thursday, December 29, 2011

Conversation with Someone Special

(Hmmm... napaka-informal ng paguusap namin. Hehe kase mas komportable akong kinakausap ko Siya ng parang tropa lang... Parang kuya ko lang. Mas nasasabi ko kase lahat pag ganto. Malamang may magsabing mali, pero mas gusto ko ang paraang ganto kesa ang pagdudahan ang mga gawa Nya or ang tuluyang hindi maniwala sa Kanya.)

*******

Kamusta ka na?
Alam ko madalas Mo ako makita kaya hindi ako magtataka kung hindi Mo ako tanungin kung kamusta na ako.
Tagal natin di nag usap ng ganto... kelan nga ba yung huli?
Thanks ha.
Sa lahat.
Sa pagtingin Mo sa'kin sa araw araw :)
Salamat din sa pagtingin sa pamilya ko :)
Patuloy Mo sila bantayan ha...
Si nanay, si tatay... bigyan Mo siya ng sapat ng lakas ng katawan para makapagtrabaho para sa'min.
Si ate, medyo krisis... bigyan Mo siya ng tatag ng loob para malagpasan lahat, saka para sa mga pamangkin ko.
Kay kuya, i-enlight Mo ang isip nya para malaman nya yun responsibilidad bilang ama para sa mga pamangkin ko.
Kay Randy, gabayan Mo siya... sana mahanap nya na yung trabahong gusto nya para makatulong na rin siya sa bahay.
Para sa'kin... hehe patuloy Mo lang akong gawing healthy sa araw araw para magawa ko yung trabaho ko. Hmmm gabayan Mo rin ako kung san ako pupunta. Dito na ba talaga ako, kung hindi 'to para sa'kin,  bigyan Mo ako ng maganda, mahinahon, at kaaya ayang SIGN na may iba pang nakalaan para sa'kin. Ayaw ko iwan yung mga kaibigan ko dito pero Ikaw ang masusunod... hindi ako.
Paki tingnan tingnan na rin yung mga kaibigan ko, at yung mga kasama ko sa trabaho. Gawin Mong mainam na lugar yun para sa araw araw. Saka si ano... alam kong may pinagdaanan siya nitong mga nakaraang araw... pagaanin Mo ang loob nya, please.

Sorry ha... ang demanding ko no? Pansin Mo?
Sorry kase parang sa tuwing nagkakausap tayo, parang laging hiling at request ang conversation natin.
Sorry sa mga kasalanan ko Sa'yo. Oo, alam ko madami... marami Ka pinagbawal noon na trending ngayon... buti na lang hindi ganun kalala yung mga ginagawa ko... good boy pa din ako kahit papano... peace ^_^"
May mga instruction ka para sa institusyon Mo na hindi ko ginagawa sorry, hindi ko nakikitang mas magiging mabuting tao ako kung gagawin ko 'yun. May mga kilala nga ako gumagawa ng bawat ritwal na yun kaso hindi naman ganun kaganda ang rehistro nya sa tao, hindi nya isinasabuhay yung turo mo pag labas nya ng bahay mo. tapos si... Ay! sorry po. ^_^"

Salamat ng madaming madami!
Ilang araw na lang, 29 days na lang, matatapos na naman yung isang taon na pinahiram mo sa'kin. Bibigyan Mo pa ba ako ng kasunod? Hehe joke lang :). Salamat sa nakalipas na taon, Ikaw na ang bahala... Ikaw ang masusunod. Ikaw ang manguna... Ikaw ang nakakaalam sa lahat.

Salamat sa pagkakataon na 'to na tinawag mo ako saglit.
Na miss ko pala na makipag usap sa'yo ng ganto.
Kahit araw-araw Kitang binubulungan, iba pa rin pala pag one-on-one.
Salamat ha... Wiseguy :)


*******

December 29, 2011

Maaga kami pinauwi ng manager namin sa work; wala naman kase talagang ginagawa.
Walang pasok kinabukasan kaya ang awkward ng pakiramdam na uuwi kang tirik pa ang araw sa langit. Mas sanay kase akong umuuwi ng malamig na yung hangin at gabi na, titingalain mo na lang yung buwan at bituin pag walang ulap ulan.

May mga lakad din yung mga kasama ko sa trabaho na hindi pumasok kaya wala talagang schedule na gimik or lakad para sa araw na 'to. Ang boring.

Sumakay ako ng bus pauwi. Napasakay ako sa Aircon bus... lugi... pag sakay ko kase pinapawisan pa din kami. Parang bentilador ang buga ng aircon... maligamgam imbis na malamig.

I decided na bumaba ng Alabang. Naglambing kase si Nanay na ibili ko siya ng kiat-kiat... di ko naman nabili.
Bumaba ako sa isang mall sa Alabang, balak ko magpalamig muna since maaraw pa at pasaway yung bus na nasakyan ko. Paikot-ikot ako sa loob ng mall, paikot-ikot. Wala naman kase akong bibilhin... wala akong pupuntahan. Lahat ng floors ng mall na yun nalibot ko... pagdating sa 4th floor, nakita ko yung chapel. Naglalakad ako sa harap ng chapel... wala talaga akong balak pumasok dun... pero parang hinahatak ako papasok.

Walang kaabog-abog akong umupo... yumuko...

And we talked.

Legend:
:)             = Ngumingiti ako ng literal habang naguusap kami.
^_^"        = Ngumingiti ako labas ipin habang naguusap kami.

Saturday, December 24, 2011

Pasko [na naman]

Pag dumating ang October, magsisimula ka na makakita ng mga countdown sa mga TV stations, dyaryo, poster, at sa mga text message na nagbibilang na ng araw bago ang mag pasko. Well, kung marunong kang magbasa, magsulat, mag-type ng internet address, mag internet, at napadpad ka sa website na 'to malamang alam mo kung ano ang araw ng pasko. Hehehe hindi ka na bata para paliwanagan kung ano yung PASKO.

Sabi nila [at taon taon ko naman naririnig] Christmas is a time for giving, it's the time for forgiving. Christmas is for the children. Tama. Kase aminado, naging bata tayong lahat at HALOS lahat ng bata, naranasan mag caroling, at mamasko sa kapitbahay, sa ninong at ninang sa araw na 'to. Ngayon, ako na ang ninong kaya malugod ko ring inaangkin na may mga "pasko" na kelangan pala tlagang "magtago" lalo na nagtatrabaho ka sa isang kompanyang may magandang proyekto pero walang magandang sweldo. 
(Gumagana na naman yung pagka aktibista ko.)

Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hanggang kailan?

In my 14 to 16 years of age, dun ako nakaramdam ng kakaibang feeling tuwing nagpapasko. Minsan nalulungkot ako pag padating na yung pasko. Pag magpapasko kase, hindi na yung Pasko mismo ang naiisip ko. Naiisip ko agad:

"Walanjo, magtatapos na naman yung isang taon. Anung nagawa ko?"

Iniisip ko kung mag nagawa ba akong mahalagang bagay sa nakalipas na taon; may mga bagay bang pinangako kong gagawin ngayon taon pero 'di ko nagawa, at kung naging worth it ba yung taon na 'yun.

Is this year worth it?

Oo at hindi. Madami akong bagay na gusto gawin nitong mga nakalipas na taon na hindi ko nagawa. Pero may mga nagawa ako na hindi ko na-plano pero naging mabuti ang kinalabasan. [pakiramdam ko meron pero since on the spot ako nagsusulat, wala ako maalala. Isusulat ko pag nag edit ako ulit]

Kaso malapit na naman matapos yung isang taon, na sulit ko ba yung 365 days na yun?

Maraming nagsasaya pag pasko. Sa isang banda kase halos lahat ng mga empleyado sa'tin ay walang pasok sa mga ganitong araw kaya sama sama silang nagse-celebrate nito. Mainam. May mga kilala din akong mga taong hindi nagse-celebrate nito, at may mga tao akong kilala, nakita, at napanood na gustong gusto mag diwang nito kaso 'di pwede.

As I believe, gaya ng Valentine's day, kung anong pinaniniwalaan mong kinagawiang gawin sa mga araw na yun, pwede mo siyang gawin ng mas madalas. Buwanan, lingguhan o araw-araw. Wag nyo lang ako pakiringgan na "Kuya Dubz, pwede ba akong humingi sa'yo ng pamasahe at lunch araw araw?" hahaha pwede ko praktisin ang pasko sa araw-araw pero hindi ako si Santa Claus.

If it's the time for giving, it's not always money and gifts you have to give. If it's the time to be happy and jolly... SMILE. It's not everyday you're happy, yes, but someone is HAPPY because of you. Christmas is a one-day reminder na meron kang tungkuling mag bigay at magpasaya ng kapwa mo sa araw araw. Kung hindi man sa kapwa mo, sa sarili mo. Just be sensitive enough to what you can do to the people around you and yourself. 

Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hanggang kailan?

Iiwan ko na lang sa mga bata at batang isip ang idea na it's all about gift giving, food, and fun; bata pa kase sila. They deserve the fun all this day, kase pagdating din nila ng 14 or 16 years old, mararamdaman din nila siguro meron na rin silang responsibilidad para sa mga batang susunod sa kanila; na sila naman ang magbigay ng happiness sa mga batang wala pang muwang.


Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hindi muna para sa lahat ng tao.

This one goes out to the victims of Bagyong Sendong.
I know that the ones who left you will never come back. I pray that in the next 365, bit by bit, we can celebrate the holidays the way we used to be. Stay strong.


Happy Birthday Wiseguy.