Pages

Saturday, December 24, 2011

Pasko [na naman]

Pag dumating ang October, magsisimula ka na makakita ng mga countdown sa mga TV stations, dyaryo, poster, at sa mga text message na nagbibilang na ng araw bago ang mag pasko. Well, kung marunong kang magbasa, magsulat, mag-type ng internet address, mag internet, at napadpad ka sa website na 'to malamang alam mo kung ano ang araw ng pasko. Hehehe hindi ka na bata para paliwanagan kung ano yung PASKO.

Sabi nila [at taon taon ko naman naririnig] Christmas is a time for giving, it's the time for forgiving. Christmas is for the children. Tama. Kase aminado, naging bata tayong lahat at HALOS lahat ng bata, naranasan mag caroling, at mamasko sa kapitbahay, sa ninong at ninang sa araw na 'to. Ngayon, ako na ang ninong kaya malugod ko ring inaangkin na may mga "pasko" na kelangan pala tlagang "magtago" lalo na nagtatrabaho ka sa isang kompanyang may magandang proyekto pero walang magandang sweldo. 
(Gumagana na naman yung pagka aktibista ko.)

Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hanggang kailan?

In my 14 to 16 years of age, dun ako nakaramdam ng kakaibang feeling tuwing nagpapasko. Minsan nalulungkot ako pag padating na yung pasko. Pag magpapasko kase, hindi na yung Pasko mismo ang naiisip ko. Naiisip ko agad:

"Walanjo, magtatapos na naman yung isang taon. Anung nagawa ko?"

Iniisip ko kung mag nagawa ba akong mahalagang bagay sa nakalipas na taon; may mga bagay bang pinangako kong gagawin ngayon taon pero 'di ko nagawa, at kung naging worth it ba yung taon na 'yun.

Is this year worth it?

Oo at hindi. Madami akong bagay na gusto gawin nitong mga nakalipas na taon na hindi ko nagawa. Pero may mga nagawa ako na hindi ko na-plano pero naging mabuti ang kinalabasan. [pakiramdam ko meron pero since on the spot ako nagsusulat, wala ako maalala. Isusulat ko pag nag edit ako ulit]

Kaso malapit na naman matapos yung isang taon, na sulit ko ba yung 365 days na yun?

Maraming nagsasaya pag pasko. Sa isang banda kase halos lahat ng mga empleyado sa'tin ay walang pasok sa mga ganitong araw kaya sama sama silang nagse-celebrate nito. Mainam. May mga kilala din akong mga taong hindi nagse-celebrate nito, at may mga tao akong kilala, nakita, at napanood na gustong gusto mag diwang nito kaso 'di pwede.

As I believe, gaya ng Valentine's day, kung anong pinaniniwalaan mong kinagawiang gawin sa mga araw na yun, pwede mo siyang gawin ng mas madalas. Buwanan, lingguhan o araw-araw. Wag nyo lang ako pakiringgan na "Kuya Dubz, pwede ba akong humingi sa'yo ng pamasahe at lunch araw araw?" hahaha pwede ko praktisin ang pasko sa araw-araw pero hindi ako si Santa Claus.

If it's the time for giving, it's not always money and gifts you have to give. If it's the time to be happy and jolly... SMILE. It's not everyday you're happy, yes, but someone is HAPPY because of you. Christmas is a one-day reminder na meron kang tungkuling mag bigay at magpasaya ng kapwa mo sa araw araw. Kung hindi man sa kapwa mo, sa sarili mo. Just be sensitive enough to what you can do to the people around you and yourself. 

Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hanggang kailan?

Iiwan ko na lang sa mga bata at batang isip ang idea na it's all about gift giving, food, and fun; bata pa kase sila. They deserve the fun all this day, kase pagdating din nila ng 14 or 16 years old, mararamdaman din nila siguro meron na rin silang responsibilidad para sa mga batang susunod sa kanila; na sila naman ang magbigay ng happiness sa mga batang wala pang muwang.


Ito yung oras na dapat masaya ang lahat...
Pero hindi muna para sa lahat ng tao.

This one goes out to the victims of Bagyong Sendong.
I know that the ones who left you will never come back. I pray that in the next 365, bit by bit, we can celebrate the holidays the way we used to be. Stay strong.


Happy Birthday Wiseguy.

No comments:

Post a Comment