(Hmmm... napaka-informal ng paguusap namin. Hehe kase mas komportable akong kinakausap ko Siya ng parang tropa lang... Parang kuya ko lang. Mas nasasabi ko kase lahat pag ganto. Malamang may magsabing mali, pero mas gusto ko ang paraang ganto kesa ang pagdudahan ang mga gawa Nya or ang tuluyang hindi maniwala sa Kanya.)
*******
Kamusta ka na?
Alam ko madalas Mo ako makita kaya hindi ako magtataka kung hindi Mo ako tanungin kung kamusta na ako.
Tagal natin di nag usap ng ganto... kelan nga ba yung huli?
Thanks ha.
Sa lahat.
Sa pagtingin Mo sa'kin sa araw araw :)
Salamat din sa pagtingin sa pamilya ko :)
Patuloy Mo sila bantayan ha...
Si nanay, si tatay... bigyan Mo siya ng sapat ng lakas ng katawan para makapagtrabaho para sa'min.
Si ate, medyo krisis... bigyan Mo siya ng tatag ng loob para malagpasan lahat, saka para sa mga pamangkin ko.
Kay kuya, i-enlight Mo ang isip nya para malaman nya yun responsibilidad bilang ama para sa mga pamangkin ko.
Kay Randy, gabayan Mo siya... sana mahanap nya na yung trabahong gusto nya para makatulong na rin siya sa bahay.
Para sa'kin... hehe patuloy Mo lang akong gawing healthy sa araw araw para magawa ko yung trabaho ko. Hmmm gabayan Mo rin ako kung san ako pupunta. Dito na ba talaga ako, kung hindi 'to para sa'kin, bigyan Mo ako ng maganda, mahinahon, at kaaya ayang SIGN na may iba pang nakalaan para sa'kin. Ayaw ko iwan yung mga kaibigan ko dito pero Ikaw ang masusunod... hindi ako.
Paki tingnan tingnan na rin yung mga kaibigan ko, at yung mga kasama ko sa trabaho. Gawin Mong mainam na lugar yun para sa araw araw. Saka si ano... alam kong may pinagdaanan siya nitong mga nakaraang araw... pagaanin Mo ang loob nya, please.
Sorry ha... ang demanding ko no? Pansin Mo?
Sorry kase parang sa tuwing nagkakausap tayo, parang laging hiling at request ang conversation natin.
Sorry sa mga kasalanan ko Sa'yo. Oo, alam ko madami... marami Ka pinagbawal noon na trending ngayon... buti na lang hindi ganun kalala yung mga ginagawa ko... good boy pa din ako kahit papano... peace ^_^"
May mga instruction ka para sa institusyon Mo na hindi ko ginagawa sorry, hindi ko nakikitang mas magiging mabuting tao ako kung gagawin ko 'yun. May mga kilala nga ako gumagawa ng bawat ritwal na yun kaso hindi naman ganun kaganda ang rehistro nya sa tao, hindi nya isinasabuhay yung turo mo pag labas nya ng bahay mo. tapos si... Ay! sorry po. ^_^"
Salamat ng madaming madami!
Ilang araw na lang, 29 days na lang, matatapos na naman yung isang taon na pinahiram mo sa'kin. Bibigyan Mo pa ba ako ng kasunod? Hehe joke lang :). Salamat sa nakalipas na taon, Ikaw na ang bahala... Ikaw ang masusunod. Ikaw ang manguna... Ikaw ang nakakaalam sa lahat.
Salamat sa pagkakataon na 'to na tinawag mo ako saglit.
Na miss ko pala na makipag usap sa'yo ng ganto.
Kahit araw-araw Kitang binubulungan, iba pa rin pala pag one-on-one.
Salamat ha... Wiseguy :)
*******
December 29, 2011
Maaga kami pinauwi ng manager namin sa work; wala naman kase talagang ginagawa.
Walang pasok kinabukasan kaya ang awkward ng pakiramdam na uuwi kang tirik pa ang araw sa langit. Mas sanay kase akong umuuwi ng malamig na yung hangin at gabi na, titingalain mo na lang yung buwan at bituin pag walang ulap ulan.
May mga lakad din yung mga kasama ko sa trabaho na hindi pumasok kaya wala talagang schedule na gimik or lakad para sa araw na 'to. Ang boring.
Sumakay ako ng bus pauwi. Napasakay ako sa Aircon bus... lugi... pag sakay ko kase pinapawisan pa din kami. Parang bentilador ang buga ng aircon... maligamgam imbis na malamig.
I decided na bumaba ng Alabang. Naglambing kase si Nanay na ibili ko siya ng kiat-kiat... di ko naman nabili.
Bumaba ako sa isang mall sa Alabang, balak ko magpalamig muna since maaraw pa at pasaway yung bus na nasakyan ko. Paikot-ikot ako sa loob ng mall, paikot-ikot. Wala naman kase akong bibilhin... wala akong pupuntahan. Lahat ng floors ng mall na yun nalibot ko... pagdating sa 4th floor, nakita ko yung chapel. Naglalakad ako sa harap ng chapel... wala talaga akong balak pumasok dun... pero parang hinahatak ako papasok.
Walang kaabog-abog akong umupo... yumuko...
And we talked.
Legend:
:) = Ngumingiti ako ng literal habang naguusap kami.
^_^" = Ngumingiti ako labas ipin habang naguusap kami.
Thursday, December 29, 2011
Conversation with Someone Special
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kuya, ganyan din ako makipag-usap sa kanya. Parang ganito..
ReplyDeletePapa God, alam mo po, isa si Kuya Dubai sa mga taong tinitingala ko, yong tao na alam ko na lagi kong matatakbuhan. yong tao na meron akong laging natututunang magandang bagay. Papa God, mahalaga sa buhay ko si Kuya Dubz, lagi nyo po sya aalagaan. Lagi nyo po sya gabayan. Lagi nyo po sya bigyan ng lakas para ma-inspire pa ang mga tao sa paligid nya. Papa God, last hiling, alam ko malakas naman po ako sa inyo e, kaya sana ganun di si kay Kuya, doblehin Mo pa po. salamat Papa God, mahal po Kita. :)
Awwww nakaka tats naman 'to. Di ko alam na naiinspire kita huh?! hahaha di ako magaling at sanay tumanggap ng mga ganyang salita ha... kaya thanks ate eula [blush] [ahihiya ako] hehehe.
ReplyDeletenakakatuwa lang malaman...you've just had spent a worthwhile time.
ReplyDelete(I thank You Lord, because You still allow people to look up at You and be able to find time to talk with You...bless this man and his heart and may Your desire be his own desire, from now till You permits it in Your own time.)
Hehe sabi ko na ikaw yan eh. Thanks sa prayer ha ate Mhea. Yup, nung naghahanap ako ng pupuntahan after namin maghanap ng libro ni Admi, dyan ako napadpad. Thanks po ng madami :)
ReplyDelete=) you're welcome po.
ReplyDelete