Pages

Thursday, February 2, 2012

Macho ka ba?

 Intro:
Sabihin nyo na na mahangin ako pero...

Ako! si Dubz... ako ay MACHO in a different way (kikiligin at ngingiti)

First stanza:
Pag sinabing MACHO... madalas tayong nakukulong sa imahe ng isang lalake na may kataasang tinding, matikas na pangangatawan at may mga sagana sa ehersisyong muscle... yung tipong nagmumura yung mga masel at nagpupumiglas palabas ng manggas ng T-shirt at nagsasabing "MASEL AKO!!!"




Chorus:

"Gnun. Sori, mpili lng tlaga en cool tlaga. Bihira ang guy na nasama sa girl sa pagbili kase matagal nga. Ang macho mo nga para skin kanina. Kala nila swit ng bf ko."


Second Stanza:
Una... Text message yan sa'kin ng isang kaibigan/kakilala na sinamahan ko sa isang mall kahapon. Kelangan nyang bumi ng damit para sa isang event na pupuntahan nya sa darating na weekend.

Pangalawa... isinama nya ako kase iba daw ang opinion ng lalake pagdating sa damit na sinosoot ng mga babae. Minsan kahit gustong gusto ng mga babae ang bumili ng damit, kukuha sila ng opinion ng iba kase mahalaga sa kanila yung anung tingin ng iba sa damit na soot nila. Saka... nag volunteer din akong sumama.

Pangatlo... hindi nya ako BF yung saleslady lang ata ang nakaisip nyan. Hahaha wala akong girlfriend.

Third Stanza
Walang kaso sa'kin ang samahan ang kaibigang babae sa pamimili ng damit sa mall. Kase nung college days, madalas akong hatakin sa mall ng isang bespren kong babae [highschool bespren] sa mall para bumili ng damit nya pag nasweldo sya. Kapalit nun, ililibre nya ako sa Tokyo Tokyo bilang pagpapasalamat [iyon talaga yung paboritong parte ko dun eh.] Ewan ko. Since di naman ako naglalalabas ng bahay, magandang pampatay ng oras yun para sa'kin.

Fourth Stanza
Hindi rin unang beses akong napuri sa pagsama sa isang kaibigang babae sa pagsama sa pamimili sa mall. Naalala ko, unang beses kong sinamahan ang isang katrabaho [na itago natin sa pangalang Maine Benitez] sa accessory kiosk ng mall sa Makati. After ilang minuto matapos nya sabihing "Ay teka lang Dubz may titingnan lang ako", at matapos ang ilang "Sorry, Dubz, ha naiinip ka na ba", nagulat ako ng sabihin nya na "Ang bait mo naman... buti 'di ka nahihiya na samahan ako no?"
"Bakit naman?" tanong ko.
"Eh kase... bihira sa lalaki ang sumama sa babae sa pagshopping"

And after nung pag tingin namin ng accessory, nasundan pa yun ng ilang beses sa mga sumunod na buwan. Leopard spots na damit, bag, Neon Green na shirt, varsity jacket, at kung anu-ano pa. Isa siguro sa mga naging dahilan 'to bakit ko sya naging close. I miss this girl so much. I'm willing to do this every day with her :D hehehe

I miss you Maine!

Refrain:
Ang senaryo: Naglalakad kami papuntang Landmark. Kelangan namin makakita ng DILAW na damit, of course, of her choice. Kwentuhan, lakad, pili, kwento, tawa. Inikot namin yung kalahati ng floor para kumuha ng mga nagustuhan nyang damit. Sabi nya sa isang sales lady:
"Miss, pwede bang umikot na muna ako tapos saka ko na lang isusukat lahat?"
"Maximum of two pieces lang ang pwede sa loob ng fitting room." bulong ko sa kanya.
"Edi dadalhin mo."

kinabahan ako.


Bridge:
Bandang huli nakapili siya ng apat na damit. Pumunta kami sa may dressing room. Kinuha ko ang bag nya ang sinukbit sa balikat ko. Dinala nya ang dalawang piraso at pumasok sa isang maliit na parang compound. Pag punta nya sa may pintuan, di pwede ang lalaki dun sa parang maliit na likuan kung san may ilang fitting room na nakalinya [MALAMANG!!!]  kaya andun ako sa may entrance nung likuan sa may corridor ng store naghintay. Lumabas siya ulit at sinabing "Pinayagan ako magdala ng 3 pieces." kinuha nya yung pangatlong damit at naiwan ako sa may corridor na may sukbit na may kalakihang shoulderbag sa kanang balikat at may hawak na damit pang babae sa kanang kamay na NAKAHANGER PA. Medyo nakakahiya ng konti kase nasa gitna ako ng isang floor na puro pangbabae ang damit, may bag, at bitbit na damit pang babae. NAPAKAINAM. Maya-maya...

"Sir!" tawag nung sales lady.

Binibigay nya sa'kin yung damit na dala nya kanina sa loob at pinapakuha daw yung huling damit na nasa akin. Balik na naman ako sa may corridor at tumayo sa parehong pwesto [meron kaseng LCD TV na malapit. Nakikinood ako. So, nakatayo ako may sukbit na bag, at may nakasampay na dilaw na damit sa kanang braso at tinitingnan ako ng mga saleslady na dumadaan at ng mga namimili na karamihan ay... oo, you're right! babae]. Maya maya lumabas na siya. Nakangiti. Nakapag decide na siya kung anung design ang bibilhin. Sinamahan ko siya ulit para isauli ang mga damit na hindi nya napili. Bago tuluyang bilhin ang napiling damit, nagtanong pa sya kung alin ang mas maganda Small or Medium ba. At parang tumakbo ang oras na masusi naming pinagusapan ang advantages at disadvantages kung pipili sya ng small or ng medium. She picked Medium.

Ad lib:

Lumabas kami ng mall na masaya kase parang kwentuhan habang namimili yung settings. Tapos natuwa siya sa'kin dahil sa sinamahan nya ako... nilibre nya ako ng salad sa Wendy's. Hay... sarap. Naaalala ko si high school bespren. Pagkatapos kumain, nagpaalam kami na uuwi na. Naghiwalay kami ng daan at sumakay ako ng bus. Habang bus, nag text ako at nagpasalamat sa salad. Sinabi kong mejo na concious ako kase napatambay ako sa harap ng fitting room tapos meron akong magandang bag at may dala akong damit na pang babae.

anong reply nya??

(Repeat Chorus 2x then fade)


Ako na macho ^_^"

1 comment: