Pag dumadating ang January, naguumpisa na akong kabahan. Bukod kase sa New Year, andito din kase ang birthday ko. Ito rin pala yung month naospital ako hehehe.
Eksaktong isang taon ng sumulat ako ng isang maliit na note para sa pagpapasalamat sa birthday ko. Wala akong natanggap na regalo -- meron yata 'di ko maalala -- pero kelangan ko magpasalamat sa Kanya sa pagbibigay sa'kin ng isang taon pa ulit para makapagsulat nito. The past year was been so good to me. I retained my job, still have my family intact, healthy, and maganda pa rin naman ang pananaw ko sa buhay. Just seeing my relatives, friends, and people around me healthy, masayang regalo na sa'kin yun. In that note, I never prayed for any material thing. Pero kung bibigyan nyo ako ng DSLR or ng XboX walang alinlangan ko siyang tatanggapin. Kidding.
I'm never used to celebrating the day. Never celebrated it with a clown, balloons, party hats, no. Konting salo-salo lang okay na. Yun siguro yung dahilan kung bakit hindi rin ako na-'kulong' sa imahe na kapag birthday mo... may celebration. Nung highschool days, my highschool bestfriends used to celebrate birthdays with our TROPA Meal #21. Pancit Canton lang, hard boiled egg, and luncheon meat. ayun lang. kuntento na kami. I really want it to be as simple as it can be. Sabi ko nga sa mga ka work ko, "parang ordinaryong araw lang sa'kin yun" although that was really it. Ang kakaiba lang nadadagdagan ako ng taon sa araw na 'to.
It's my hatch day. And... that's it. No promises, no party hats, no clowns.
This day, you can show what you can do for me because it's my birthday...
But I can't promise to do something special for you this day...
Nothing... because I have the chance to do it EVERYDAY.
TARA! at magpakalunod sa pancit canton! Wooh!
*******
Dear Wiseguy,
Salamat sa nakalipas na taon. Oo, replay nanaman yung prayer ko hehehe sorry. Thank you for giving me a productive year. As I venture on my another 365 days -- well, ikaw lang ang nakakaalam -- give me the same courage and a little bit more patience for this everyday life. Please do bless my family, my friends, high school tropa, office mates/friends and all the people I hang out with, with this incoming "everyday". Bless them po and make them my clue on how to walk this life better as I pleasantly continue trying to be a blessing for them.
I've been experiencing trials and test para mabawasan ang tiwala ko Sa'yo.
Bring it on! di ako natatakot... andyan Ka naman eh. The best Ka kayang kakampi. Game?
Bless me to be a good follower of You. Not my will but Yours be done.
*******
Literary - Informal [minadali para di mawala ang concept hehe]
Wala gaanong tao sa park. Mahangin. Hapon. Maraming bakanteng upuan para sa mga namamasyal. Nagpasya siyang umupo sa isa sa mga iyon para mag isip, mag muni-muni, at makipag-usap. Sa isang batibot
sa may dulo ng isang hugis tatsulok na parke; doon siya umupo.
Friday, January 27, 2012
A veintisiete
Utility
"Dubz, di ka pa uwi?"
nakita pala siya nang isang utility sa building kung san siya nagtatrabaho.
Dubz
"Di pa po. mag emo lang po ako saglit".
Mabilis lang din at nawala sa paligid ang taong 'yon. Mabilis sya lumakad. Ayaw abutan ng traffic.
Halos dalawang taon na din na paulit ulit siyang naglakad sa mga kalye ng lugar na 'to. Naalala din nyang nilibot niya ang buong tatlong sulok ng parkeng 'to sa unang araw nya sa trabaho para makahanap ng mabilis na daan para 'di mahuli. Pero na-late din siya.
Lalaki
"Brad... pwede makisindi?"
isang lalaki ang lumapit sa batibot.
Dubz
"Di ako nagyo-yosi brad, eh"
Lalaki
"Alam ko. Hehehe joke lang. May lighter ako. Pwede paupo?"
ngumiti lang si Dubz bilang pagsang-ayon. 'Ang dami dami naman lugar dito... dito pa nag yosi sa tabi ko... adik to' bulong nya sa sarili. Mahangin. May ilang hithit ng sigarilyo ang tumatama sa mukha nya pag nabuga ng usok ang lalaki.
"Uwian mo na?"
(Sabay hithit ng sigarilyo.)
Dubz
"Ah... oo."
Lalaki
"San na yung mga kasama mo?"
Dubz
"Alin... sino?"
Lalaki
"Yung mga kasabay mo umuuwi galing trabaho."
Dubz
"Wala na... nalipat ako ng departamento. Di ko na sila kasama. Teka kilala ba kita?"
Lalaki
"Kilala kita, oo. Pero ikaw 'di mo ako kilala. Dun ka nagtatrabaho di'ba?"
(Sabay turo sa kalapit na building)
Dubz
Oo, pano mo nalaman?
Lalaki
Kase nga kilala kita.
Dubz
Office mate ba kita?
Lalaki
Hindi. Alam ba ng mga office mate mo na nanalo ka ng award sa literary contest nung college ka?
Dubz
Classmate ba kita nung college?
Lalaki
Hindi no, mas matagal pa kitang kilala... hindi lang college.
(Natahimik sila pareho. Tumayo si Dubz at nagpaalam na aalis na pero...)
Lalaki
Pinatingnan mo na ba yang sakit ng dibdib mo? Bakit ba natatakot kang ipatingin yan?
Dubz
Yun ang nakakapagtaka dun. Tama na! sino ka ba pano mo nalaman yan?
Lalaki
Ikaw.
Dubz
Anung Ikaw?
Lalaki
Ako, ikaw. Wag kang magalala ilang minuto na lang aalis na ako. May gusto lang akong mapatunayan sa'yo.
Dubz
Adik ka ba??
Lalaki
Naging mabuti ka bang 'Dubz' nitong nakalipas na taon?
Dubz
Ako sa sarili ko alam ko naging mabuti ako... yata. 'Di ko sure. Pero... Oo!
Lalaki
Gaya ka pa din ng dati. Wag ka mag alala... ako na nagsasabi: naging Maayos kang 'Dubz' nitong taon na 'to.
Dubz
Maayos? hindi mabuti?
Lalaki
Maayos. May nagawa ka ring kabulastugan no. Hind TAYO perpektong tao.
Dubz
Tayo??
Lalaki
Aalis na ako ^_^" Naging mabuti ang nakalipas na taon sa'yo. Ilang oras lang iiwan na kita at ikaw... ikaw mismo na kausap ko, ang gagawa ng panibagong AKO para sa taon na 'to. Subukan mo pang maging mas mabuti sa kung anong ginawa MO sa'kin sa nakalipas na taon, okay?
Dubz
Aalis? babalik ka pa ba?
Lalaki
Hindi na no... lipas na ako. Ilang oras nalang lilipas na yung taon ko. Pag gising mo, panibagong taon na ulit. Gawin mo lang kung anong pinaniniwalaan nating tama. Ingatan mo lagi sarili mo at wag bibitawan yung mga taong nagiging dahilan ng pag gising mo sa araw-araw.
Dubz
...
Lalaki
Inspired ka no?
Dubz
Oo naman. Si Ver... teka! kung ako ikaw, dapat alam mo yan di'ba?
Lalaki
Hehe, oo naman. Happy birthday.
Dubz
...
Lalaki
Happy birthday sa'tin.
Dubz
Salamat 2011
Lalaki
...
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.looking forward to another writing aa you reach another year of your life...master
ReplyDelete